If you want your school to be added to this forum. Kindly pm me (Admin).
 
HomeHome  CalendarCalendar  FAQFAQ  SearchSearch  MemberlistMemberlist  UsergroupsUsergroups  RegisterRegister  Log inLog in  
Share | 
 

 Filipino IV: Miliminas 0069

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin


Posts: 16
Join date: 2009-06-20
Location: Manila, Philippines

PostSubject: Filipino IV: Miliminas 0069   Tue Jun 23, 2009 8:08 am



Miliminas 0069

ANG MILIMINAS, isang pangkat ng kapuluan na matatagpuan sa kagitnnan ng dagat Pasipiko bago pa man magkaroon ng isang malawakang pagbaha ng tubig. Miliminas rin ang tawag sa mga taong naninirahan sa mga kapuluan nito. Kawangis din ng mga ordinaryong tao ngayon ang mga itsura ng mga Miliminas. Ang pagkahuli nila sa sibilisasyon ang nagdulot sa kanilang magkaroon ng naiibang pag-uugali at pamamaraan ng salita at wika. Mik ang tawag sa kanilang pera at kalimitang tinatawag ang taong mayroong isang milyong Mik o humigit pa rito ay mikinaryo.
SA PAMAMARAAN NG PAGBIHIS ay mayroon din silang sinusunod na batas, isa sa mga kinikilala nilang pormal na kasuotan ay para sa mga kababaihan ay katumbas ng mga bathing suit natin ngayon at kamiseta o korto para sa mga kalalakihan.
ANG MGA KAKAIBANG BATAS NG MGA MILIMINAS ay ang mga sumusunod: Sa pamamaraan ng pagbibihis, hindi dapat mahaba ang kanilang mga damit. Sa pagsakay sa isang pampublikong sasakyan ipinapatupad dito ang Equality before the kilo na kung saan kung gaanong kabigat ang isang mamamayan ay ganito rin ang kaniyang ibabayad. Sa pamamaneho, bawal ang hindi nag o-over-speeding o ang hindi pagpapatakbo ng sasakyan ng matulin.
SA PAGBIBIGAY NAMAN NG SERBISYO SA MGA MAMAMAYAN, kalimitang nahahati ito sa tatlong pangkat: ang mayayaman, ang mga may kaya sa buhay at ang mahihirap. Sa pabibigay ng tubig ng Nawasdak may tatlong uri ng tubo, ang nilalabasan ng malinis na tubig, ang may maruming tubig at ang walang tubig. Habang sa kuryente naman na ibinibigay ng Palay Electric Company na kung san nahahati rin ang serbisyo sa tatlong uri. Una, ang light service na napapakinabangan lamang ng mga may pribilehiyo sa pamayanan, ikalawa, ang brown-out service na kung saan nagagamit lamang ito kung hindi kinakailangan at pangatlo ang black out service na may disenyo lamang ang mga kagamitan sapagkat hindi ito nagagamit.
SAMAKATUWID, KARAMIHAN SA KANILANG MGA BATAS ay kabalintunaan ng mga batas natin sa ngayon tulad ng pagbabawal sa paggamit ng mga genuine o tunay na produkto, ang lisensyadong baril ay ipinagbabawal, ang pagbebenta ng mga bazaar na iligal kaysa sa mga sidewalk na umuuukopa sa mga kuwarto-kuwarto.
SA PULITIKA NAMAN NOONG SA PANAHONG IYON, uso rin ang tinatawag na kickback na kung saan ang mga buwaya ng bansa ay sinisipa sa likod para sa bawat suhol na kanilang matatanggap at pinararangalan ang sinumang makapal na ang likod dahil sa mga sipang natanggap nito. Ang batasan nilang kilala sa tawag na Circus of Miliminas na kung saan nahahati ang batas para sa mga mayayaman at mahihirap. Ang mga malalaking transaksyon ng Miliminas ay kalimitan ring ginagawa sa ilalim ng puno – ang shady transaction. Isa pa rito ang matataas na mesa ng mga opisyal na kung saan ginagawa ang under the table tansactions upang hindi mauntog ang mga dumaraan dito. At marami pang iba.
RELIHIYOSO RIN NAMAN ANG MGA MILIMINAS, na kung saan ay may kinikilala silang tatlong panginoon – ang pera nilang mik, ang buwaya at si Santasa na maihahalintulad natin kay Satanas nagyon.
SA PAGKAKAROON NG ELEKSYON hindi natatakot ang sinuman na mamatay o pumatay. Sa katunayan ang sinumang may mas maraming napatay ay ang siyang nananalo rito. Tuwing ikalawang taon ginaganap ang eleksyon dito sa Miliminas, kung gayon ay mabilis maubos ang populasyon nito. Dahil dito, naimbento ng isang henyo ang isang tableta na iinumin ng mag-asawa upang magkaroon sila ng anak at mailuwal ito sa loob lamang ng dalawampu’t apat na oras, ito’y tinawag na instant baby.
ISANG KARANGALAN ANG GUMAWA NG KABUTIHAN SA MILIMINAS na kung saan ang mabuti ay mas kilala natin bilang masama para sa ating pananaw. Tulad ito ng mga kickback artist, mga mayayamang mapang-api sa mahihirap, mga tiwaling opisyal, mga magnanakaw at marami pang iba. Na sa kabilang dako ay ang sinumang gumagawa ng marangal at mabuti [ayon sa ating pananaw] ay ang siya pang nahihiya at ipinagkukubli ang mga ito.
DUMATING RIN SA KANILA ANG PANAHON na kung saan ang mga kabataang may malawak na pag-iisip ay tumawag ng isang pagpupulong upang iparating ang mga pagbabagong nais silang isagaw. Subalit sila’y pinagtawanan at kinutya. Ngunit ng lumaon, dumarami ang mga dumadalo rito kung kaya’t ipinagbawal ng pamahalaan ng Miliminas ang pagpupulong at tinawag silang mga dungis ng lipunan.Ngunit nakuha ng mga kabataan ang simpatiya ng mga mahihirap kaya nagsiklab ang isang rebolusyon na lumaganap sa buong kapuluan ng Miliminas.
ISANG PARUSA ANG NAGMULA SA KANILANG DIYOS NA SI SANTASA, isang dakilang pagbaha at paglindol ang kanilang naranasan at ito’y nagdulot sa pagputok ng isa sa mga malalaking bulkan sa kalaliman ng Miliminas na nagdulot ng paglaho ng Miliminas sa sansinukuban.

---

Ano ang Miliminas?
Ang Miliminas ay isang akda na tungkol sa isang
Lipunan, at ang batas dito ay halos kabaliktaran
sa ating kasalukuyang batas; katulad ng "mas katanggap-tanggap
ang pagsusuot ng bikini kaysa pagsusuot ng karaniwang damit." at
"Mas hinahangaan ang mga tiwaling opisyal kaysa sa mga tapat." at
"Tinatawag na baliw ang mga taong henyo."


Ano ang Moral Lesson ng Kwento?
Ang Moral Lesson ng Kwento ay..
a.) Ang mga batas ay ginawa upang ating Sundin.
b.) Nakasalalay sa mga batas ang ikauunlad ng bansa.
c.) Ang bawat bansa sa ating mundo ay may iba't-ibang batas na sinusunod


Note:
Ang akdang "Miliminas 0069" ay isang example ng "Romantisismo"

---

If you guys want to add more info. Kindly post to this topic.

---

Link of the Story.
Back to top Go down
View user profile http://cielitians.forumotions.net
ms.dang



Posts: 1
Join date: 2009-06-24
Age: 20
Location: Sumwer in caloocan ..

PostSubject: Re: Filipino IV: Miliminas 0069   Wed Jun 24, 2009 2:25 pm


ahaha Laughing
naks ! kumakana ..
haha .. :p
lol!
Back to top Go down
View user profile
Admin
Admin


Posts: 16
Join date: 2009-06-20
Location: Manila, Philippines

PostSubject: Re: Filipino IV: Miliminas 0069   Wed Jun 24, 2009 4:46 pm

[ ms.dang ]
ahaha. if meron kayo idadagdag. kindly post it here nalang Smile
Back to top Go down
View user profile http://cielitians.forumotions.net
 

Filipino IV: Miliminas 0069

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

 Similar topics

-
» Medrep resource for aspiring Filipino Reps
» Use of Filipino and English in Posts
» BAC Honoraria
» Fairness Opinion Report
» procurement of live bands / musikeros

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Cielitians Official Forum ::  :: -